Friday, January 18, 2013

SAGRADONG AKLAT AT ANG KAPANGYARIHAN NG PAG-DIDIVINO (GREAT WHITE DIVINO FELLOWSHIP)/ Part 4

SAGRADONG AKLAT AT ANG KAPANGYARIHAN NG PAG-DIDIVINO
(GREAT WHITE DIVINO FELLOWSHIP)/
Part 4

Alisin ang pressure: Aktibong paraan ng pagrerelax

Ang malalim na paghinga at pagrerelax ay tumutulong sa atin para magkaroon ng kapayapaan sa ating sarili at sa kapaligiran. Ang paghinga ay ang pagkakaisa ng isipan at katawan. Ito ang sentro ng pagtuturo sa silanganan. Ang paghinga ay bumubuo at nagpapalakas ng ating personal na Chi isang enerhiyang nakakapagpasigla, na maari mong tawagin sa panahong kailangang kailangan mo ito. Sa kadahilanang ito, importante para sa atin na ikundisyong muli ang ating kaugalian sa paghinga para maging mas epektivo ang pag gamit ng mga orasyon at mga ritwals.

Makakapag-isip, makakaramdam at makakakilos nang kakaiba sa simpleng pagpapalit lamang ng ating paghinga. Ang malalim na paghinga mula sa ating tiyan ay mayroong epektong nakakapagpakalma at nakaka-kontrol sa sarili, samantalang ang paghinga ng mababaw na galing sa ating dibdib ay nagdaragdag ng tensyon. Ang maiksi at mabilis na paghingal ay nagdaragdag ng pagod sa atin at maari pang magdulot sa ating nang pagkataranta sa isang klase ng situwasyon. Isang paraan upang isaalang-alang ang paghinga ay ang inspirasyon,’ kapag tayo ay humihinga literal tayong “nag-iinspire” at inuutusang kumilos ang ating sarili sa paraang gusto natin.

Ang paghinga ay koneksyon sa pagitan ng Yin at Yang, ang loob at ang labas, ang namamalayan at ang hindi namamalayan. Ang sentro na kumokontrol sa emosyon ay bumubukas habang ang isipan ay nagiging tahimik at ang katawan ay nagrerelax.

Karamihan sa atin ay hindi gustong magpaturo kung paano huminga ng tama. Ang mas malala pa rito ay kakaunti lamang ang nagtuturo kung paano gamitin ang kamangha-manghang kapangyarihan ng ating isipan upang maabot nito ang kanyang buong potensyal. Dito ay ipapakita ang kombinasyon ng praktical na paghinga at teknik sa meditasyon sa pagamit ng malikhaing paglalarawan sa ating diwa. Ito ay subok at napatunayan nang epektibo sa loob ng higit na libo-libong taon, kapag isinama ito sa isang tiyak na teknik nang malikhaing paglalarawan sa ating diwa, ang pagsasanay ay bumubuhay sa Chi at pinapayagan tayong buksan ang malaking potensyal nang ating panloob at panlabas na pagkatao.

Ang iyong vital life-force energy, o ang Chi, ay nagigising sa pamamagitan ng namamalayang paghinga. Ito ay daan na nagpapagana sa iyong katawan upang ito ay makipagkaisa sa iyong isipan. Ang ordinaryong hindi namamalayang paghinga ay gaya ng paraan ng paghinga mo ngayon, ito ay hindi epektibo. Ang malalim na paghinga na isinasagawa nang ating namamalayan ay lumilikha ng bagong estado ng pagkatao. Ang bawat bagong paghinga ay nagbibigay ng bagong pagsilang at paglaki.

Ang full relaxation ay nakokompleto sa pamamagitan ng matahimik na isipan, katawan at espirito; ang mga ala-ala ay hindi pumapasok sa isipan, at ang memorya o problema ay hindi gumagambala sa espirito. Ito ay isang buong katahimikan at kapayapaan ng kalooban. Ito ay mga pagsasanay na ibibigay upang makatulong sa iyo sa:

-Pagrerelax ng isipan at katawan.
-Pagtanggal ng stress.
-Pagpapahusay ng konsentrasyon at linaw ng isipan upang maging epektivo ang pag gamit ng mga orasyon.
-Pagpapataas ng sigla.

Ito ay mga simple ngunit epektibong teknik para sa relaksasyon. Ito ay naglalaman ng paghinga at pagsasalarawan sa ating isipan. Pumili ng teknik na umeepekto ng pinakamahusay para sa iyo.

Dan Tian

Ang lahat ng ehersisyo sa paghinga na napapaloob sa pamamagitan ng pagamit ng Dan Tian ay tinatawag ding Elixir o Cinnabar Field, ito ay isang pook na kasing kapal ng iyong palad tinatayang ito ay nasa 8 centimetro, kapag ito ay inilagay sa gitna ng iyong katawan, at 4 na sentimetro sa palibot sa baba ng iyong pusod.

Ang Dan Tian ay ang maestro ng Yin ng iyong katawan; ito ang nagpapatakbo at nagpapalaganap ng Yin sa iyong katawan. Ito ang bumabalanse sa katawan at sa sentro nito, ito rin ang nagpapalusog sa ating sexual organs at kumokontrol ng paglaki at maturidad. Ang Dan Tian ay isang pangunahing impluwensya sa ating pagganap at kalusugan ng ating buong katawan. Ang Chi ay nahihinga tuwing tayo ay nag-iinhale ay dumidirekta sa Dan Tian. At ang Chi ay naiimbak, humahalo sa ibang uri ng Chi sa ating katawan at muli kumakalat sa buong katawan.

Mga patnubay bago mag-ensayo

-Sa pamamagitan ng iyong paghinga, unang punuin ang Dan Tian.

-Huwag huminga ng sobrang daming hangin sapagkat ito ay maaring magdulot ng mabilis na paghinga o pagkahilo. Sa gayon, huminga lamang ng 90% ng iyong kapasidad.

-Huminga sa pamamagitan ng iyong ilong sa lahat ng oras, kahit habang nasa mabigat na gawain o sports. Ang paghinga gamit ang ilong ay pumipigil sa pagkahapo at pananakit ng katawan. Ang stamina ay lumalakas din sa pamamagitan ng paghinga sa ilong.

-Isarado ang iyong bibig at hayaang ang dulo ng dila ay maabot ang itaas ng iyong bibig.

-Siguraduhing ang iyong balikat ay mababa o pinakamalayo sa dulo ng iyong tenga.

-Kapag nakaupo, siguraduhing deretso ang iyong likod ngunit natural ang iyong posisyon, at ang iyong paa ay nakalapat sa sahig.

Ang mga pagsasanay

Pagpapakalma ng isipan

Ang pagsasanay na ito ay maaring isagawa bago o matapos ang isang stressful na situwasyon.

-irelax ang iyong isipan sa pamamagitan ng pag-uulit ulit ng salitang “ako ay kalmado”, kumilos ng dahan-dahan, mag-isip ng dahan-dahan.

-ipokus ang iyong isipan sa hanging pumapasok sa iyong ilong.

-habang inilalabas ang iyong hininga, ilarawan sa mata ng iyong isipan ang numerong 5.

-ituloy ang paghinga, sa oras na ito ibaba ang numero sa numero 4, at ituloy ito hanggang umabot sa numero 1.

-tumigil sa numero 1 nang isang minute habang inuulit ang salitang “ako ay kalmado.”

-ngayon ay magpokkus sa iyong paghinga at magbilang pabalik sa numero 5.

Imbes na gumamit ng salitang “ako ay kalmado”, ang pagsasanay na ito ay maaring palitan ng paglalarawan sa iyong isipan na ang iyong sarili ay nagiging kalmado, Nakikita at nararamdamang ang iyong sarili ay nasa isang paboritong lugar na payapa, gaya ng sa ibabaw ng bundok o isang beach.
Dan Tian ang pagsasanay na pangpakalma at pagpapanumbalik ng enerhiya

Ito rin ay tinatawag na paghinga gamit ang ibabang bahagi ng baga o Buddha-belly. Ang mga sanggol at mga hayop ay humihinga sa ganitong pamamaraan.

Kapag pakiramdam mo ikaw ay balisa o problemado, magpokus ka sa ganitong paghinga. Ito rin ay lumalaban sa napapagaling pang karamdaman gaya ng sobrang pagod, stress o kahit na sa masakit na ulo dahil sa tensyon at sobrang init ng katawan.

-Irelax nang mabuti ang iyong pisikal na katawan.

-Pakalmahin ang iyong isipan.

-Dalhin ang iyong isipan sa iyng Dan Tian, ang “dagat ng enerhiya” ang lugar na may apat na sentimetro pababa mula sa iyong pusod. Tignan ang kinalalagyan nito sa pamamagitan ng mata ng iyong isipan.

-huminga papaloob sa iyong katawan, gamitin ang iyong isip upang alhin ang iyong hininga papunta sa iyong Dan Tian. Palawakin ang iyong tiyan palabas at pakiramdamang ang iyong palad ay gumagalaw pasulong.

-huminga papalabas at hayaang ang iyong tiyan ay bumalik sa kanyang normal na posisyon. Habang ikaw ay mas humuhusay sa paggawa nito, maari mo nang mahigop ang iyong tiyan habang huminga palabas.

Ang maindayog na paghinga gamit ang Dan Tian

Kapag tayo ay nagagalit o natatakot, ang ating paghinga ay karaniwang nagiging mababaw at mabilis. Kapag naman tayo ay payapa ang ating hininga ay nagiging mabagal at malalim. Ang pagsasanay na ito ay humihikayat sa relaksasyon at pagiging kalmado. Ito ay naghahanda sa iyo para sa mga padating na mga bagay.

Ang pormula ng mga sumusunod na pagsasanay ay 2:1, at pagtagal maari mo itong itaas sa 4:2 at pataas pa.

-Huminga papaloob sa bilang na 2

-Pigilan ito sa bilang na 1

-Ilabas ang hininga sa bilang na 2

-Sandaling tumigil sa bilang na 1

DTEF healing-breathing exercise

-Irelax nang maigi ang iyong pisikal na katawan.

-Ikalma ang iyong isipan.

-Huminga papaloob sa loob ng 1 segundo.

-Pigilan ito sa loob ng 4 segundo.

-Huminga papalabas sa loob ng 2 segundo, ilarawan sa isipan na papaalis ang lahat ng karumihan mula sa iyong katawan.

Habang nagiging bihasa ka na sa teknik na ito, maari mo ng paramihin ang pormula sa 2, 3, 4, 5 at tuloy tuloy pa. ang bilang ng segundo ay magiging 2/8/4, 3/12/6, 4/16/8, 5/20/10 at tuloy tuloy pa.

DTEF relaxation exercise

-patigasin at pigain ang isa o lahat ng parte ng iyong katawan, gaya ng gagawin mo kapag ikaw ay gumigising. Gawin ito ng mahigpit hanggang sa makakaya at gawin ito nang ilang segundo at pigilan rin ang iyong paghinga.

-ilabas ang tensyon sa pamamagitan ng dahan dahang pagrerelax at pagkalog sa iyong katawan.

-kapag ito ay nagawa mo, tumayo o umupo ng tuwid habang nakapikit ang iyong mata. Magpokus sa iyong paghinga. Isalarawan sa isip ang kinalalagyan ng Dan Tian at dahil ang iyong hininga ng dahan dahan at malalim doon. At ilabas ang hininga habang inilalarawan sa isip na ang lahat ng tensyon ay umaalis sa iyong sistema. Pakiramdaman ang malalim na relaksasyon.
Upang mairelaks ang buong katawan, ulitin ang pagsasanay para sa lahat ng parte ng katawan na hindi nabanat noon sa unang hakbang.

The re-vitaliser

-buong irelaks ang iyong pisikal na katawan gumamit ng mga orasyon na nasa sagradong aklat

-ikalma ang iyong isipan.

-ituon ang konsentrasyon sa hangin na pumapasok sa iyong ilong.

-gamitin ang imahinasyon upang isalarawan ang puting ilaw ng enerhiya na pumupunta sa iyong ilong.

-tignan at pakiramdaman na ang enerhiya ay tumatagos sa bawat parte ng iyong katawan, mula sa iyong ula pababa sa iyong paa.

-habang inilalabas mo ang iyong hininga, isalarawan sa isipan ang bawat piraso ng dumi at pagod na umaalis mula sa iyong katawan.

-gamitin ang konsentrasyon upang hindi lamang ito maging isang mekanikal na pagsasanay kundi isang meditasyon.

Kabanata 6

Layunin

“Ang sikreto sa buhay ay ang kilalanin kung sino ka at kung saan ka papunta”

Ang pangalawang hakbang upang makarating sa kabuuang pokus ay ang pagkakaroong ng mga layunin na malinaw sa ating isipan, ang intensyonal na pagpopokus ay gumagana kapag alam natin kung ano ang gusto nating gawin, at kung ano ang ating pakay. Sa madaling salita, dapat tayo ay magkaroon ng isa o higit pang tiyak na pinopokus sa ating buhay, maging ito ay ang pagpapabuti pa sa ating kalusugan, relasyon, karera o pag-aaral. Tayo ay madaling mawala sa pokus o magambala sa ating mga layunin sa buhay na para bang tayo ay binubulungan ng isang anghel sa ating isang tenga, at nagsasabi sa atin kung ano ang dapat nating gawin, at ang isa namang anghel ay lumilitaw sa ating kabilang tenga at nagpapaalala sa atin kung ano pa ang ibang posibilidad. Isinaad sa sinaunang masters na kung gusto mo makuha ang isang bagay, kailangang maging handa kang pakawalan ang ibang bagay.

Sa paligid natin ay ang maraming halimbawa ng mabubuti, at makatotohanang bagay na maari nating ipokus sa ating isipan. May kilala akong kabataang magkasintahan na mayroon lamang kakaunting pera, ngunit matindi ang pag-ibig nila sa isa’t isa. Nagdesisyon silang magpakasal at magkaroon na ng pamilya. Pareho silang nakapokus sa bawat posibleng sandal sa lahat ng pangangailangan na hindi maiiwasan sa pagkakaroon ng isang pamilya, at nakamit nila ang kanilang mga layunin nang mabilis. Nakalipas ang limang taon, nakalipat na sila sa bagong bahay at bagong mga kasangkapan, mayroon na rin silang magandang sanggol na gumagapan sa maininit nilang sahig sa kanilang sala. Ang lahat ng ito ay nakamit nila sa isang risonable at abot-kayang lebel ng panghihiram ng pinansyal.

Ito ay isang makabuluhang tagumpay, at walang paraan upang magawa nila ito kung hindi sila nakapokus. Makikita nating ang kanilang responsibilidad sa pamamagitan ng pagsasakripisyo na kanilang ginagawa upang makamit ang kanilang layunin. Tinalikuran nila ang maraming luho sa buhay. Hindi sila lumalabas ng madalas, hindi rin sila nagsusuot ng mamahaling damit o alahas. Lahat ng kanilang pisikal at mental na pagsisikap ay upang makamtan ang kanilang pinopokus.

May alam din akong ibang magkasintahan na nagpokus nang hindi tama at nasayang ang malaking bahagi ng enerhiya, oras at pera. Imbes na magpokus sa dapat gawing bagay na mas mahalaga at kailangan upang makamtan ang layuin, sila ay nadidistract o nagagambala ng ibang atraksyon. Hindi sila nagsakripisyo at patuloy nilang ginastos ang meron sila nang higit pa sa kanilang pangangailangan. Kapag sila ay sinuswerte upang makuha ang kanilan ginugusto, kadalasan sila ay pinipeste sila ng hindi nakalulugod na problema, na minsan ay nagdadala sa kanila sa pagkagulo ng kanilang buhay may asawa at minsan ang pagkamuhi na rin sa isa’t isa. Pinili nilang magpokus sa kung ano ang meron ngayon, at hindi nila inintindi ang baitang na mas mahalaga ang tunay na trabaho, enerhiya at sakripisyong kinakailangan “sa nandito” at “sa ngayon”.

Nakakita na rin ako ng mag-asawang naging matagumpay sa umpisa ngunit nakaranas din ng kamalasan sa bandang huli. Sila ay masyadong nagpokus sa pagpapalaki ng kanilang mga anak, hanggang sa bandang huli wala na silang dahilan para magsumikap pa sa sobrang dedikasyon, at pagmamahal sa kanilang mga anak, ibinigay na nila ang lahat, at halos nakalimutan na nila ang kanilang mga sarili at sa paglaki ng kanilang mga anak ang naiwan sa kanila ay ang pagreretiro at kamatayan. Imbes na dapat sila ay gumawa ng mas balanseng pagsasakripisyo na ginawa nila para sa kanilang pamilya.

Maraming tao ang hindi nakakamtan ang kanilang layunin sapagkat nawawala ang kanilang pakay o pokus. May mga bagay na nagdudulot ng tukso habang nasa daan, at mas madali sa kanila na ibahin ang kanilang daan imbes na magpatuloy na magsikap at magpakasakit upang makarating sa dapat patunguhan.

Maari tayong matangay paatras o paabante, papunta sa kawalan, ang ating layunin ay mabilis at madaling nawawala. Upang maitama ito, ang layon, plano at prayoridad ay napakahalaga upang maging matagumpay tayo sa pag-abot sa ating nilalayon.

No comments:

Post a Comment